top of page

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAGING MALIGAYA KUNG BABALEWALAIN ANG PAMBABABAE NG ASA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 26, 2018
  • 3 min read

KATANUNGAN

  1. Nahuli kong may ka-text ang mister ko. Kaya pala napapansin kong madalas siyang nagkukulong sa C.R., kunwari ay naliligo o kaya ay dumudumi, pero ang totoo, may tine-text pala siyang babae.

  2. Lalo ko siyang nahalata nang minsang hawakan ko ang cellphone niya at nang binuksan ko ang inbox niya ay galit na galit siya. Kapag ti­nata­nong ko siya tungkol dito, sina­sabi niyang kaibigan lang daw niya ang mga nasa phone book niya, kaya wala raw akong dapat ikaselos.

  3. Subalit, malakas talaga ang kutob ko na may babae ang mister ko. Ano ang dapat kong gawin para makumpirma ko na may babae nga siya?

  4. Natatakot ako na baka du­mating ang araw na bigla na lang niya kaming iwanan.

  5. Nasa guhit ba ng aking mga palad na mahihiwalay ako sa aking asawa at magiging broken-family kami?

KASAGUTAN

  1. Ang sabi sa Bible, “as a man thinketh in his heart, so is he.” (Pro­verbs 23:7, KJV). Ibig sabihin, kung ano ang nilalaman ng puso mo, kusa itong magkakatotoo.

  2. Nangangahulugan din itong kung ano ang iniisip mo, sa bandang huli, posible nga ‘yung mangyari sa iyo.

  3. Ito rin ang kapangyarihan ng auto-suggestion na tinatawag.

  4. ‘Ika nga ng pharmacist na si Emile Coue, para maging better ang buhay mo, bigkasin mo lang ito palagi: “everyday in every way I am getting better and better”.

  5. Ganu’n ‘yun, kung ano ang pa­lagi mong iniisip, sa bandang huli, sa ayaw at sa gusto mo, ‘yun ay sigura­dong magkakatotoo.

  6. Kaya kung wala ka pang mati­bay na ebidensiya na may babae ang mister mo, huwag mo na siyang pag-isipan ng masama o hindi maganda.

  7. Sa halip na isipin mong baka isang araw ay iwanan ka ng iyong mis­ter, mas mabuti pang sundin mo na lang ang suggestion ni Emile Coue. Palagi mong bigkasin ang mahiwa­gang salitang: “everyday in every way I am getting better and better”.

  8. Samantala, mambabae man ang iyong mister, tiyak na hindi ka mahihiwalay sa kanya at sigu­radong hindi ka niya iiwanan sapagkat iisa lang ang tuwid at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  9. Ito ay tanda na kung hindi pamamahayan ng takot at pagseselos ang iyong puso at isipan, tulad ng naipaliwanag na, mananatili sa buhay mo ang iyong mister, mambabae man siya ay balewala rin ito dahil sa bandang huli, hindi ka niya iiwanan at palagi pa rin siyang babalik sa iyo kahit nambababae pa siya.

  10. Sabi nga ng Tata Oneng ko, pinsang buo ng Tatang Susing ko na madalas na tumula kapag nalalasing, “ang ibong naligaw ng landas, kusang bumabalik pagdating ng hapon sa sarili niyang pugad”.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kaya, Mariel, ang mas mabuti mong maga­gawa ngayon ay huwag mo nang intindihin kung may babae o wala ang iyong mister hanggang buo pa ang iniintrega niyang pera at active pa siya sa inyong sexual life. ‘Ika nga, sa dalawang sangkap na ito ng inyong pagmamahalan (sex at pera) panahon na upang tumahimik, makuntento at maging ma­ligaya ka.

  2. Sapagkat, ayon sa iyong mga datos, napa­kalinaw ng ipinahahayag na guhit ng iyong mga palad, may babae man o wala si mister (Drawing A. at B. 1-M arrow a.), itinakda na ng tadhana na ha­bambuhay pa rin kayong magsasama at ang inyong relasyon ay magiging buo at maligaya (Drawing A. at B. h-h arrow b.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page