top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mag-ingat: namamasko kuno, pero karnaper pala, buking!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 26, 2018
  • 2 min read

DRIVER ka ba ng mga modelong sasakyan na madalas naka-park sa parking area matapos kang iwanan ng iyong amo para sa kanyang appointment?

Para sa inyo ‘

ito mga suki nating tsuper na nasa loob ng kanyang sasakyan habang nagre-relax at hinihintay ang pagbabalik ni boss.

Nakatanggap tayo ng reklamo mula sa naging biktima ng carnapping sa tapat ng isang suite sa Roxas Boulevard kung saan magka-tandem ang nakukunwaring may hinahanap, nagtatanong at namamasko pero, mga karnaper pala.

Dahil tiwala at walang pagdududa sa approach ng dalawang suspek na naka-scarf at itinatago ang kanilang mga mukha nito at sa dulo ng barrel ng baril nito ay agad tinutukan ang nabiglang biktima kung saan isa ang kumuha ng susi ng modelo nitong sasakyan na habang nakatutok ang baril ng demonyong suspek ay agad himaltak palabas ng sasakyan ang nagulantang na driver/biktima.

Matapos tumakas ng mga suspek tangay ang kinarnap na kotse ay agad nagtungo sa himpilan ng pulisya upang i-report at ireklamo ang carnapping na nangyari kung saan sa pangunguna nina Supt. Melvin Montante, hepe ng DID/D2 ng Manila Police District at C/Insp. Salvador Tangdol kasama ang labindalawang operatiba ay na-tract nila ang signal ng Global Positioning System (GPS) na nakakabit sa nakarnap na sasakyan sa Marilao, Bulacan kung saan nadiskubre ng mga operatiba ang sasakyan sa abandonadong basketball court sa Phase 1, Heritage Subdivision, Barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan.

Kaya kayong mga driver ng pribadong sasakyan, lalo na kung ang minamaneho ninyo ay modelo, ‘wag kayong iistambay sa loob ng inyong sasakyan para maghintay, magpahinga o matulog dahil ito ngayon ang iniispatan ng mga demonyong karnaper ngayong kapaskuhan dahil mas madali nilang maka-carnapped ang inyong sasakyan dahil nand’yan kayo para biktimahin, lalo na ngayong Holiday Season.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

MALIGAYANG PASKO SA ATING LAHAT!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page