Lalo na kung mabilis masira ‘yung nabili n‘yo, besh! STICKER NA KERING LABANAN ANG PAGKABULOK NG MGA
- BULGAR

- Dec 26, 2018
- 2 min read

PAGKABULOK ng mga prutas ang kadalasang problema ng mga magsasaka at negosyante dahil malapit nang mabulok ang mga ito bago pa mai-deliver sa supplier at tuluyang maibenta sa merkado. Ayon sa mga eksperto, 52 porsiyento ng mga prutas na bagong ani ang nabubulok bago ito maibenta. Pero, knows ba ninyo na mayroon nang sticker na kayang makasalba sa pagkabulok ng mga prutas bago i-distribute ang mga ito sa supplier? Weh, ‘di nga?
Ang sticker ay tinawag na Stixfresh kung saan ito ay mukhang normal na sticker na nakikita sa mga prutas na nabibili sa grocery.
Pero, ito ay may kakaibang kayang gawin dahil mayroon itong natural formula na nakapagpapabagal sa pagkahinog ng prutas kaya nananatiling sariwa ang mga ito sa loob ng 14 na araw.
Sakto rin dahil kailangan natin ng 12 prutas sa ating lamesa para buwenasin tayo sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Gayunman, ang mga materyal na ginamit sa paggawa ng Stixfresh ay 100 porsiyentong organic kabilang na rito ang sodium chloride at beeswax kung saan ang nasabing mga materyal ay nakapagpapabagal sa pagkalat ng bacterial activity sa mga prutas, kaya bumabagal din ang paghinog ng mga ito.
Sigurado ang nakadiskubre ng Stixfresh na safe ito dahil organic ang mga ginamit sa paggawa nito.
Maliban pa rito, puwede rin itong kainin. Wow! Kaya dehins na kayo magwo-worry na baka malason kayo sa pagkain nito, mga beshy!
Samantala, ayon sa nakadiskubre ng Stixfresh, ang produktong ito ay para sa mga negosyanteng madalas na nalulugi dahil wala silang choice kundi itapon ang mga panindang mabilis na nabubulok kaya hindi na napakikinabangan.
Dagdag pa rito, naisip niya ang solusyon na ito nang sa gayun ay maiwasan ang mabilis na pagkabulok ng mga itinitindang prutas lalo na ngayong malapit nang mag-Bagong Taon.
Kaya para sa mga supplier at vendor diyan, siguradong puwede na kayong mag-stock ng maraming prutas dahil hindi na ito madaling masisira kapag ginamit n’yo ang sticker na ito.
Oh, ‘di ba, bongga?
Gets mo?





Comments