top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | DISYEMBRE 26, 2018 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 26, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 26, 2018 (Miyerkules): Itu­loy mo lang ang iyong pagsisikap at matutupad mo ang iyong mga panga­rap. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka ma­pa­­bibilang sa sikap nang sikap, pero hindi uma­asenso ang buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi uma­atras ang mga suwerte mo, nagsisikuha lang ito ng malakas na buwelo nang sa gayun ay lubos na lumi­gaya ang iyong puso. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-24-30-33-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ingatan mong mahawa sa hin­di mabu­bu­ting gawi at ugali. Ina­asahan ng langit na ma­bu­buhay ka sa magan­dang asal na magdadala ng katuparan sa iyong mga ambisyon sa buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-11-16-22-27-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Magtatangka ang lungkot na talunin ka, pero ang mga ito ay ma­bi­bigo. Ikaw ay likas na masayahin at nabubuhay sa positibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-26-28-30-31-35.

CANCER (June 21- July 22) - Nagpapa­litan ang gabi at araw, gayun­din ang mundo ay buhay na buhay. Huwag kang mabahala sa pagpapalitan ng lungkot at saya dahil ito mismo ang magpapa­ganda sa buhay mo. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-21-23-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di nakapagta­taka kung pa­tuloy kang nag­bibigay ng regalo dahil ang totoo, ikaw ay isini­lang na may diwa ng Pas­ko kaya responsibilidad mong pasayahin ang ma­ra­ming tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-18-21-24-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka nang kumi­los. Ang kilos nang kilos kahit kailan ay hin­di mabibihag ng kabiguan kung saan darami ang na­iipon mong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-13-25-31-36-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ganito ang sabi sa isang sikat na awit, “huwag mong ipangako ang bukas”! Para sa iyo, huwag mong ubusin ang nasa iyo. Hin­di mo alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-13-21-28-30-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsaya ka kahit tapos na ang Pasko dahil ang totoo, nakapapagod nang harapin ang mga na­mamasko. Ngayon ka lang may pagkakataong sumaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-21-29-36-41-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga! Kailangan mo ang ilang araw na pamamahinga dahil ikaw ay makikitang sob­rang abala pagdating ng Bagong Taon. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-26-34-39-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibibi­lang kaagad sa mga bigo ang na­du­wag sa laban ng buhay. Bakit ka maduduwag? Ba­likan mo ang iyong naka­raan kung saan nanalo ka sa hamon ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-12-17-20-24-27.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Harapin mo ang mga darating na araw na punumpuno ng positibong pananaw. Ito ang sikreto ng iyong kapa­laran na nagsasabing, ma­pasasakamay mo ang ma­raming biyaya. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-26-27-35-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasasagap mo ang nagdara­ti­ngang masu­suwerteng araw para sa iyo. Ito ang magpapalakas ng loob mo, kaya mapa­bibilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-15-16-21-27-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page