Chairman tinodas ng tandem
CAGAYAN—Isang barangay chairman ang napatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Roma, Enrile sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Chairman Benito Ardiles, residente ng Bgy. Kinama, Rizal sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nakasakay sa motorsiklo si Ardiles nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na lulan din ng motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments