Babaeng nakukunsumi na sa mga pamangkin dahil hindi nag-aaral ng mabuti
- ROMA AMOR
- Dec 26, 2018
- 1 min read
Dear Roma,
Ako si Nerissa, 49 years old. Hanggang ngayon ay wala pa akong asawa kaya sa akin ibinilin ng aking mga nakababatang kapatid ang pagbabantay sa kanilang mga anak dahil sa ibang bansa sila nagtatrabaho. Sa totoo lang, hirap na hirap na ako dahil ang titigas ng ulo ng mga pamangkin ko, gayundin hindi sila nag-aaral nang mabuti. Istrikto naman akong tita, pero bakit imbes na matakot sila, eh, lalo lang silang sumusuway sa akin? — Nerissa
Nerissa,
Alam mo, mamsh, ang maipapayo namin sa iyo ay huwag kang masyadong maging istrikto sa mga pamangkin mo, ‘ika nga ng marami, kapag masyado nating pinahihigpitan ang mga kabataan, eh, mas lalo silang nagrerebelde. Kaya dapat saktong higpit lang ang gawin mo sa kanila at iparamdam mo na gagabayan mo sila sa mga bagay na gusto nilang gawin sa buhay at hindi ka magiging hadlang sa mga trip nila. Huwag kang maging “tita’s of Manila”, kumbaga, huwag kang kj, okay? Kaya mo ‘yan! Good luck at God bless!





Comments