Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA PINAGMULAN NG BAGONG TAON
- BULGAR

- Dec 26, 2018
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang tungkol sa pinagmulan ng Bagong Taon.
Sa kasaysayan ng mundo, ang selebrasyon ng New Year ay ginaganap sa iba’t ibang petsa. Maraming bansa sa Europa, ang New Year celebration ay time of Easter o araw kung kailan naganap ang “muling pagkabuhay” ni Lord Jesus Christ.
Sa ibang bansa, ang New Year ay September 1 at mayroon ding December 25.
Sa panahon ng Dakilang emperor na si Julius Ceasar, ginawang opisyal ang New Year sa petsang January 1, ito ay dahil ang buong mundo sa kanyang panahon ay pinaghaharian ng Roma.
Sa panahon ni Pope Gregory XIII, lumikha siya ng kalendaryo na gagamitin ng mga Kristiyano at ang New Year ni Julius Caesar ay kanyang sinunod kaya lahat tayo ay nasasakop ng Simbahang- Katolika.
Pero, ang January 1 sa totoo lang ay petsa lang naman para sa Bagong Taon. Kaya ang tanong, ikaw, kailan ba ang iyong Bagong Taon?
Mas magandang ang Bagong Taon ng bawat isa ay Bagong Taon na bago talaga. Hindi maganda na sa Bagong Taon mo ay hindi ka naman bago?
Kumbaga, paano magiging bago kung ganu’n pa rin ang buhay mo, as in, walang pagbabago sa iyo?
Now is the time to make a change lalo na sa iyong buhay. Ngayon na ang tamang mga araw kung kailan mo aaminin ang mga bagay na dapat mo nang baguhin dahil hindi maganda kung magse-celebrate ka ng Bagong Taon, eh, ‘yun nga, “luma” ka pa rin.
Ano man ang kinaaaniban mong relihiyon, sa totoo lang, hindi na ito gaanong mahalaga dahil ang importante ay magkaroon ka ng bagong buhay.
Aanhin mo ang bagong damit, sapatos at gadgets kung walang makikitang pagbabago sa iyo?
Ang nasabing mga salita ay alam na ng lahat dahil tuwing sasapit ng Bagong Taon ay hindi maiiwasan ng tao na isipin kung ano ang makabubuti para sa kanya sa susunod na taon.
Lahat tayo ay nangangailangan ng pagbabago, there is always a need to change. ‘Yun nga lang, ang kulang ay ang pagiging seryoso kung kailan ang sinasabing New Year‘s Resolution ay sisikaping matupad, pipiliting mangyari at gagawin ang lahat nang sa gayun ang bawat isa ay hindi mapahiya sa kani-kanyang sarili.
Kaya ang rekomendasyon na dapat ninyong isabuhay ay ang mga katagang “ako ay magiging seryoso na”. Sa ganito, ang Bagong Taon ng bawat isa ay masasabing tunay at hindi simpleng petsa lang na ipinadiriwang kada taon.
HAPPY NEW YEAR TO ALL!




Comments