Wanted na rapist timbog
Pabs Hernandez III
Dec 24, 2018
1 min read
PANGASINAN—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Arnedo, Bolinao sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Lindo Branzuela, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si Branzuela sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Hindi nanlaban si Branzuela nang dakpin ito ng pulisya sa naturang lugar.





Comments