Tsunami sa Indonesia, 168 patay
Joy Repol Asis
Dec 24, 2018
1 min read
PATAY ang 168 at sugatan ang higit 700 katao sa tsunami na nangyari noong Sabado ng gabi sa Pangdeglang, Serang at South Lampung, Indonesia.
Batay sa impormasyon, nasa 430 kabahayan at 9 hotels ang napinsala ng kalamidad.
Kumbinasyon umano ng underwater landslides dahil sa volcanic eruption ang naging sanhi ng tsunami, ayon sa Indonesia Meteorological, Climatological and Geological Agency.





Comments