GEORGE, KUMIDLAT SA 43 PTS. DURANT AT JEREBKO, BUMIDA


SAPAT na ang 43 puntos ni Paul George at 15-of-25 shooting upang iangat ang Oklahoma City Thunder at manaig sa Utah Jazz, 107-106 sa NBA game kahapon sa Salt Lake City.
Dumagdag si Jerami Grant ng 15 points para sa Thunder, nakatulong si Steven Adams ng 15 pa at 10 rebounds habang si Russell Westbrook ay nakatarak ng 8 puntos, 12 rebounds at 9 assists at napagwagian ng Oklahoma City ang ikaapat na diretsong panalo.
Bumanat si Rudy Gobert ng 20 points at kumulekta ng 10 rebounds habang si Donovan Mitchell ay may 20 points, 9 rebounds at 6 assists para sa Jazz.
Samantala sa iba pang laro, pumukol ng 16 si Jonas Jerebko ng 23 points upang iangat sa 3rd at 4th quarter ang laro upang makahabol ang Golden State Warriors sa 120-116 na panalo laban sa Dallas Mavericks sa Oakland, California.
Dahil tangkang iwasan ang ika-5 diretsong talo na-outplayed ng Mavericks ang Warriors sa 81-77 matapos ang tres puntos ni J.J. Barea sa nalalabing 3:54 minuto sa ikatlong peryodo.
Pero may ibinanat na tig-7 puntos sina Jerebko at Kevin Durant para manguna sa 3rd quarter at bigyan ng kalamangan ang Warriors sa 94-87. Sina Jerebko (9 points) at Stephen Curry (six) ay may pinagsamang mahalagang 2 puntos para buksan sa kalamangan na 17-6 ang 4th period at iangat ang Golden State sa 111-93 sa nalalabi na lamang na 7:51 minuto.
Hindi pa tapos ang Mavericks. Nakapagsalpak si Wesley Matthews ng dalawang tres at isa si Jalen Brunson para sa iskor ng Dallas na 117-113 sa natitira na lamang na 1:46 minuto na paglalaro. (MC/ATD)





Comments