Gawin mo na ‘to, bago ka pa tumandang dalaga, mamsh! BABAENG SA SANDALING HANAPIN SI MR. RIGHT AY TI
- BULGAR

- Dec 24, 2018
- 2 min read

KATANUNGAN
1. Maestro, sa edad kong 41 ngayon, masasabi mo bang makapag-aasawa pa ako? Nakita ko sa guhit ng aking mga palad na may Marriage Line naman ako, ‘yung palaging tinatalakay ninyo, kaya lang maikli at iisa lang.
2. Pero, sa totoo lang, hindi pa ako nagkaka-boyfriend ng seryoso at pangmatagalan, pero umaasa pa rin ako na kahit ganito na ang edad ko, balang-araw ay may darating ding lalaki para sa akin. Tama ba ako?
3. Kung mayroon, saan ko naman siya makikilala at kailan siya darating?
KASAGUTAN
1. Dahil Virgo ang zodiac sign mo at ang key word para sa mga Virgo ay “communication at transportation”, kaya bukod sa komunikasyon tulad ng cellphone, social media at iba pang high-tech at modernong komunikasyon ngayon, puwede mo ring ma-meet ang lalaking una at huling magiging boyfriend mo, sa paglalakbay o habang nagta-travel ka o kaya ay naghihintay ka ng masasakyan sa pampublikong waiting shed.
2. Samantala, tama ka, may kaisa-isa ngang Marriage Line (Drawing A, at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang problema, medyo maikli ang nasabing guhit at hindi masyadong makapal. Ibig sabihin, medyo nakatakda rin sa kapalaran mo ang maaaring pagtandang dalaga.
Subalit, kahit palagi nating sinasabing ang indibidwal ay kailangang maging kabahagi ng takdang kapalaran, puwede ring kasalungat ng nakatakdang kapalaran ang tuparin mo lalo na kung nagtataglay ka ng strong will power na nakikita naman sa napakalaking bahaging itaas na daliring hinlalaki (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, ibig sabihin, kahit na 41 years old ka na ngayon, kapag ginusto mo talaga na mag-aasawa ka na, magagawa mo ito dahil tulad ng nasabi na, bukod sa may Marriage Line (arrow a.) ka sa kaliwa at kanang palad, nagtataglay ka rin ng matinding will power (arrow b.) na kinumpirma ng birth date mong otso (8).
Tanda na matigas ang iyong ulo at kung minsan, buo ang iyong loob, hindi mo lang ito masyadong pina-practice, pero kapag in-apply mo ang pagiging matigas ang ulo at makulit sa kagustuhang makapag-asawa, walang duda, walang magagawa ang kapalaran kundi ang pag-asawahin ka.
DAPAT GAWIN
Ang nasabing pag-aasawa na ikaw din ang gagawa, ayon sa iyong mga datos, Ms. Virgo, ay kinumpirma ng maikli o maliit mong Marriage Line (1-M arrow a.), pero malaki at matabang itaas na bahagi ng daliring hinlalaki (arrow b.), sa kaliwa at kanan mong palad, ibig sabihin, makapag-aasawa ka at magkakaroon ka ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari sa taong 2020, sa edad mong 42 pataas.




Comments