top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BRONER, MAHINA RAW SI PACMAN; CRAWFORD, UMIIWAS SA PINOY

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 24, 2018
1 min read

NASILIP na raw ng kampo ni Adrien Broner ang kahinaan ni Manny Pacquiao. Ayon sa trainer ni Broner na si Kevin Cunningham, maraming nagdaang laban ni Pacman ang kanilang napag-aralan sa Youtube. Lalo na raw iyong hindi nagbabagong mga estilo ng kilos at galaw ni Pacquiao. Kaya naman pinaghandaan nilang mabuti ang laban sa Enero 19, 2019 sa Las Vegas, Nevada.

Samantala, sumagot naman si dating pound-for-pound star at boxing champion Terence Crawford sa umano’y naging pahayag ni Pacquiao na umiiwas siya sa Pinoy na lumaban. Ipinahayag ni Crawford na noon pang 2015 pa dapat sila maglalaban ni Pacman at inaayos na rin daw sana noon ni Top Rank CEO Bob Arum ang laban. Samantala, inaayos pa ni Crawford ang susunod niyang laban. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page