Nagpakatotoo lang… BIMBY, 'DI MATAWAG NA 'ANAK' NG BATAMBATANG ABOGADO NI KRIS

KINILIG na nga ang mga shippers nina Kris Aquino at Atty. Gideon Peña na magkasama sila sa Japan, lalo pang kinilig ang mga followers ng dalawa sa ipinost na picture ni Atty. Gideon kasama si Bimby. Kahit ang caption ng abogado sa picture ay “Ototo (little brother),” dedma ang mga netizens.
‘Katuwa nga dahil may nagtanong kay Atty. Gideon kung bakit hindi pa niya tawaging stepson si Bimby? May humor din si Atty. Gideon dahil nang may mag-comment ng “Aaay! Ba’t ako kinilig!?” ang sagot ng abogado ay “Baka po naiihi lang kayo?” at sinundan ng laughing emoji.
Pinuri rin ni Atty. Gideon si Bimby at sinagot ang nag-comment na matangkad na pala si Bimby ng… “Not just in terms of height but Bimb is like an adult. Very intelligent.”





Comments