top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

HOROSCOPE | DISYEMBRE 23, 2018 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEM­BRE 23, 2018 (Linggo): Taglay mo ang kakaya­han sa pagpaparami. Ga­mitin mo ito sa ka­buha­yan nang sa gayun ay magkaroon ka ng na­pa­karaming kayama­nan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magmadali ka! Huwag mong pan­sinin ang mga maiiwan mo. Sa kabuuan, mas marami kang makuku­hang pakinabang dahil sa iyong bilis. Masu­wer­teng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-22-27-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang masya­dong emos­yu­nal. Ang hindi maki­ki­ayon sa gusto mo ay hu­wag mong pilitin. Hin­di rin dapat sumama ang loob mo sa kanya dahil may kani-kanyang pra­yoridad ang bawat tao. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-18-28-39-40-41-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Patuloy kang maka­ra­ranas ng hindi kapani-paniwa­lang pagdapo sa iyo ng mga suwerte, pero kung susuriin mo ang iyong buhay, makikita mong likas ka palang bubu­wenasin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-21-24-37-40-43.

CANCER (June 21- July 22) - Muli, ipi­naaalala sa iyo na hang­ga’t maaari ay hawakan mo ang iyong sarili. Mas mahigpit, mas maganda. Ang taong hindi hawak ang kanyang sarili ay ta­tangayin ng iba. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-24-28-39-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag mong ito­do ang pa­mimigay ng regalo. Kapag ngayon ka namigay, maaari kang kapusin, mas marami ang sa iyo ang mag-aabang. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-19-21-24-28-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sinasabing daig ng maagap ang masipag. Sa ngayon, ang marara­nasan mo ay daig nang mabilis mag-isip ang ma­sipag na, pero pursigido pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-7-10-14-23-37-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapala­ran mo nga­yon dahil ang matatang­gap mong regalo ay mas maganda pa kaysa sa iyo. Ingatan mo ito at mahalin, habambuhay. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-14-28-34-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mali­bang sa masasa­yang araw. Bilangin mo ang iyong kabuhayan at planuhin mo ang gusto mong mangyari sa susu­nod na panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-21-24-39-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Isang pa­alala ang para sa iyo. Baka ma­­kalimutan mo nga­yong Pas­ko na mahalagang pi­nasa­saya ang sarili. Ito ang susi para sa mara­ming ta­gum­pay na darating. Ma­­suwer­teng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-13-14-29-30-33-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hihinto pansamantala ang orasyon ng iyong kapalaran. Ma­ma­­lagi ka sa oras kung saan lubos kang liligaya at iba­hagi mo sa iyong kapwa ang pagsasaya. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-19-28-30-31-36-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabibi­lis ang mga pangyayari. Sa huli, magugulat ka da­hil maitatala sa iyong Ak­lat ng Kapalaran na higit sa iba pang mga panahon, nga­yon ang pinakamasa­yang araw para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-24-25-36-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbigay, na­katanggap, may inaasahan at may bibigyan pa. Ito ang Pas­ko para sa iyo, masa­yang-masaya ka dahil hindi ma­ta­pus-tapos ang diwa ng pag­bibigayan. Ma­suwer­teng kulay-blue. Tips sa lot­to-7-9-11-15-25-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page