top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Helper tinodas ng katrabaho

Pabs Hernandez III
Dec 23, 2018
1 min read

ILOCOS NORTE—Isang helper ang namatay nang saksakin ng kanyang katrabaho, kamakalawa sa Bgy. 1, San Nicolas sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Jommel Castillo, residente ng Bgy. Capatan, Tuguegarao City, samantalang, ang suspek ay kinilalang si Rommel Tasi, nakatira sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Castillo at Tasi na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Nabatid na namatay sa pinangyarihan ng krimen si Castillo, samantalang, agad nadakip ng pulisya ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page