Gov’t. projects na nakatengga, sayang!


NAPANSIN n’yo ba ‘yung mga proyekto ng gobyerno na hanggang ngayon ay nakatiwangwang?
‘Yung inaasahan nating magiging solusyon, mas malalang sakit sa ulo pala ang dala nito dahil nakatengga lang at abala.
Bukod pa rito ‘yung mga proyekto na inaprubahan at may budget, pero hindi naman nasimulan.
Ito ‘yung mga government project na sinuspinde, ipinahinto o nasa litigation matapos madiskubre na irregular, hindi kailangan at mahal.
Kaya hinimok ang Commission on Audit na magrekomenda ng pagsasampa ng kaso dahil umano sa mga nasayang na proyekto ng gobyerno.
Ayon sa isang mambabatas, P583.5 bilyon ang nasayang dahil sa mga proyektong shelved o hindi natuloy noong December 2017.
Mula sa rekomendasyon ng COA, inaasahang aaksiyunan ito ng Department of Justice (DOJ).
Napakahalaga ng bawat proyekto ng gobyerno, malaki o maliit man ang halaga dahil galing ito sa buwis ng mamamayan.
Kaya dapat lang na pag-aralang maigi at bantayan.
Tulad ngayon, halos magbanggaan ang mga mambabatas sa 2019 National Budget, bilyun-bilyong piso na naman ang pinag-uusapan, sana, tiyaking magagamit ang pondo nang makatarungan.
Hindi ‘yung magkakabukingan na napakalaki pa ng inihirit na budget, hindi naman ginamit. ‘Yung iba, ginamit nga, kung hindi palpak, nakorup naman!
Sa inyo ipinagkatiwala ang kaban ng bayan para mapakinabangan at hindi mapagkakitaan.





Comments