Eroplano bumagsak, 7 dedbol
- Joy Repol Asis
- Dec 23, 2018
- 1 min read
BINAWIAN ng buhay ang pito katao matapos ang pagbagsak ng eroplano sa Congo.
Nirentahan umano ng National Electoral Commission ang eroplano para magdala ng election materials sa Tshikapa na malapit sa Angola.
Bumagsak ang nasabing eroplano may 35 kilometro sa Kinshasa na ikinamatay ng pitong crew members.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad upang malaman ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.
Disyembre 30 nakatakdang isagawa ang halalan sa Democratic Republic of Congo.





Comments