3 katao tiklo sa 4 boga at mga bala
ZAMBOANGA DEL NORTE—Tatlo katao, kabilang ang barangay chairman ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng apat na baril at bala, kamakalawa sa Bgy. Aseniero, Dapitan City sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Chairman Ranulfo Paglinawan, Christian Malacat at Amil Dayunot, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Paglinawan sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska sa barangay chairman at sa dalawang kasama nito ang apat na baril at mga bala.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong 4 counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments