VERY MERRY CHRISTMAS SA CHAMP BLAZE SPIKERS!
- BULGAR

- Dec 22, 2018
- 2 min read

NABIGO man na mawalis ang serye, pero mission-accomplished na rin ang Petron Blaze Spikers matapos masungkit ang korona ng Philippine Superliga All-Filipino Conference noong Huwebes ng gabi sa FilOil Flying V Centre.
Tinalo ng Blaze Spikers ang mahigpit na karibal na F2 Logistics, 25-22, 26-24, 25-23 sa Game 3 ng best-of-three finals series at nadepensahan ang titulo sa prestihiyosong women’s club tourney na isinasaere ng ESPN5.
Nagwagi bilang Most Valuable Player si Rhea Dimaculangan habang sina Aiza Maizo-Pontillas at Bernadeth Pons ay nakapagdeliber ng lupit sa paglalaro sa bisa ng 13 at 11 points para sa Blaze Spikers kung saan ay naduplika nila ang kampeonato sa conference na nagawa pang makabawi mula sa Game 2 na pagkatalo.
Para kay coach Shaq Delos Santos, kung naging sweep ang bakbakan ay bonus na lamang iyon dahil ang main objective nila ay makuha ang titulo. “This is a great Christmas blessing,” ayon kay Delos Santos na puring puri ang kanyang mga bataan ngayong conference.
“Honestly, we really never thought of completing a sweep. We know how tough the competition is and winning all of our games will be very impossible. So instead of eyeing a sweep, what we did was to prepare hard everyday, give our best and respect our opponents.”
Sinabi ni Delos Santos na ang tinahak nilang laban ay hindi gayun kadali, dahil pinahirapan sila sa paghahanda at sakripisyo bago naabot ang pangarap lalo na sa finals, sapagkat dinala pa sila ng Cargo Movers sa do-or-die affair.
Sa Game 2, pakay nilang maka-sweep pero sinorpresa sila ng Cargo sa iskor na 25-21, 19-25, 20-25, 17-25.
Pero sa halip na panghinaan, pinalakas ng Blaze Spikers ang loob at bumuo ng matatag na battleplan para sa korona.
“I just told them to bring back the old fire that made Petron successful in the past,” ayon kay Delos Santos matapos ang matagumpay na kampanya ng San Miguel Corp. ngayong taon mula sa pagwawagi ng San Miguel Beer, Ginebra at Magnolia sa Philippine Basketball Association. “We don’t have to be pressured. This is just volleyball. We have to play our normal game if we want to win the crown.”
Naging pambato ng Blaze Spikers sina middle stars Mika Reyes, Remy Palma, Ging Balse-Pabayo, Frances Molina, Pia Gaiser, Chloe Cortez, Angel Legacion, Sisi Rondina, Mela Tunay, Ria Duremdes at Jasmine Alcayde.
Kredito rin kay Assistant coach Ian Fernandez ang solid scouting report sa Cargo Movers.
“This is a total team effort,” ani Delos Santos. “This victory will not be impossible without the support of the players, coaches, staff and, of course, the SMC management. We won’t be here without them. This crown means a lot. It’s going to be a very Merry Christmas for all of us.” (MC)





Comments