Isinabay sa KathNiel, JaDine at LizQuen… CARLO AT ANGELICA, NAGMUKHANG TITO AT TITA
- BULGAR

- Dec 22, 2018
- 2 min read

BUMAGSAK ang katawan ni Megastar Sharon Cuneta last week. Hindi pa kasi siya nakakabawi ng pahinga after ng movie nila nina Richard Gomez and Kathryn Bernardo, sumabak naman siya sa dalawang magkasunod na gabi ng concerts — as special guest ni Regine Velasquez at sa solo show niya sa Hong Kong.
Pagkatapos ay nagsimula na rin siya agad mag-shoot para sa bago niyang pelikula with Direk Erik Matti under his and Dondon Monteverde’s production outfit, ang Reality Entertainment.
Eksakto namang nakatsikahan namin saglit si Dondon during the annual Phil. Movie Press Club’s Christmas caroling sa kanila ni Direk Erik na ginanap sa kanilang opisina kamakailan.
Kinumpirma ni Dondon ang tsika sa amin ni Mega after ng premiere night ng Three Words to Forever na may gagawin siyang movie under Reality Entertainment. In fact, naka-three shooting days na raw sila sa latest movie project nila na pinagbibidahan ni Mega.
First time raw ni Sharon na gumawa ng horror film at first time rin nilang makatrabaho sa Reality Entertainment si Mega.
When we asked Dondon kung sino ang leading man or iba pang artistang kasama ni Mega, secret pa raw muna.
At least, napurnada man ang Darna project nila na pagbibidahan ni Liza Soberano, Megastar naman ang naging kapalit.
And speaking of Mega, ang ganda ng ginawang pa-tribute sa kanya ng ABS-CBN during the Family is Love: The 2018 Christmas Concert na ginanap sa Araneta Coliseum last December 15 and 16. Nag-join forces ang mga sikat na Kapamilya love teams as they performed the hit songs of Sharon.
And finally, dumagundong ang loob ng Big Dome sa lakas ng sigawan at hiyawan ng mga fans sa pagsasama-sama nina James Reid-Nadine Lustre, Enrique Gil-Liza Soberano, at Kathryn Bernardo-Daniel Padilla. Kinanta nila ang To Love Again, Dear Heart at Maging Sino Ka Man.
For sure, medyo naalangan pero feeling happy sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban na napasama pa sila sa mga sikat na young generation of love teams today sa isang prod number.
In fairness sa CarGel, ‘di naman masyadong nalalayo ang hitsura nila sa mga batang kasama nila on stage. Although, may narinig din tayong comment sa audience na parang tita at tito na raw sina Angelica at Carlo nu’ng mga magkakalabtim.




Comments