2 Chinese hackers, kinasuhan
DALAWANG Chinese government hackers ang kinasuhan ng U.S. Justice Department matapos tumarget ng 45 kumpanya at ahensiya sa bansa.
Ayon kay Deputy Attorney General Rod Rosrentien, ang nasabing hakbang ay nagpakita na hindi sineryoso ng China ang pangako nito na pipigilan ang nasabing insidente.
Matatandaang, nagkaroon ng kasunduan sina dating U.S. President Barak Obama at Chinese President Xi Jinping na pigilan ang cyber attacks sa mga kumpanya sa U.S.
Kinasuhan sina Zhu Hua at Zhang na pawang mga empleyado ng APT10 hacker group na suportado ng Ministry of State Security ng China.





Comments