top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Para kahit bigla pa kayong atakihin sa daan... GADGET NA EPEKTIB NA PANLABAN SA EPILEPSY, PATOK!

Jersy Sanchez
Dec 21, 2018
2 min read

PATAAS nang pataas ang bilang ng mga namamatay dahil sa biglaang pag-atake ng sakit na epilepsy. Bagama’t, mayroong mga treatment para maiwasan ito, hindi pa rin naaagapan ang biglaang pagtaas ng heart rate na nagi­ging sanhi ng pag-atake nito. Pero, alam ba ninyo na mayroon nang gadget na maa­aring ma­kapigil sa biglaang pag-atake ng epilepsy? Wow!

Ayon sa mga eks­perto, 600 katao kada taon sa U.S ang nama­matay dahil sa hindi naaagapang pag-atake ng epilepsy. Kapag hindi naaga­pan ang seizure, ang mga pasyente ay naso-suffocate sa kanilang kama habang nakahiga at kung min­san ay su­musuka ha­bang inaa­take at nag­tso-choke.

Ang gadget ay tina­wag na NightWatch kung saan kaya nitong pigilan ang Sudden Unexpected Death in Epilepsy (SU­DEP) na kada­lasang nang­yayari sa gabi. Ang nasabing gadget ay may kakayahang maka-detect ng biglaang pagtaas ng heart rate kung saan tutunog ang alarm para magising ang pasyente bago tuluyang mangyari ang seizure.

Kaya rin nitong mag-send ng mensahe sa smartphone ng pamilya o sa sinumang nag-aalaga sa pasyente sa oras na ma-detect nito ang parating na pag-atake ng epilepsy. Sa ganitong paraan, maa­alarma ang mga ta­ong nasa pa­ligid ng pas­yen­te at maa­­aga­pan ito.

Para ga­mitin ang Night­Watch, kai­langan la­mang itong isu­ot sa itaas na ba­hagi ng ating braso bago ma­tulog. Kapag naisuot na ang gadget, magsi­si­mula na itong mag-monitor ng heart rate hang­gang sa pagtu­log.

Upang malaman kung epektibo ang nasa­bing gadget, ipinasubok ito sa 29 na pasyente sa loob ng 65 gabi. Napag-alaman ng mga eksperto na na-detect ng Night­Watch ang 85 porsi­yento ng nakamamatay na pag-atake ng epilepsy. Ayon sa mga developer, nakatakdang ibenta sa merkado ang NightWatch anumang buwan sa susunod na taon.

Kaya ang payo ng mga ito, hindi porke may naimbento nang gadget na nakade-detect ng biglaang pag-atake ng epilepsy ay hindi na tayo mag-iingat. Kaya ang paalala namin sa inyo, inumin nang tama ang iniresetang gamot ng mga doktor at sundin ang tamang diet.

Oh, ayan, mga lodi, bukod sa rekomendas­yon ng inyong doktor, kapag mayroon na ka­yong NightWatch, tiyak na maagapan na ninyo ang nakamamatay na biglaang pag-atake ng nasabing sakit. Stay healthy!

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page