Facebook pinagmumulta
- Joy Repol Asis
- Dec 21, 2018
- 1 min read
SINAMPAHAN ng kaso ng attorney general sa Washington ang social media platform na Facebook dahil umano sa paglabas ng personal data ng milyun-milyong gumagamit nito.
Ayon kay Washington D.C. Attorney General Karl Racine, dalawang taon nang alam ng Facebook ang insidente ngunit, hindi ito ipinaalam sa mga user kung saan tila niloko ng Facebook ang mga ito.
Dapat umanong magsagawa ng mas mahigpit na pagbabantay ang Facebook tungkol sa mga third party app na sinasabing sangkot sa data breach.
Nasa $1.7 billion ang dapat imulta ng Facebook dahil sa insidente.
Matatandaang, pinagmulta rin ng Britanya ang nasabing social media site dahil sa data breach.





Comments