RUSSELL, NAKAPANRESBAK, NETS, SINILO ANG LAKERS


KUMULEKTA ng 22 puntos si D’Angelo Russell at career-high-tying 13 assists nang siluin ng Brooklyn Nets sa 36 points ang LeBron James team kahapon at nakahabol sa season-high winning streak na anim na laro sa bisa ng 115-110 victory laban sa bisitang Los Angeles Lakers sa NBA game. Sa pagharap sa dating team sa ikatlong beses mula nang lumipat sa Brooklyn at ma-draft noong 2017, ipinoste ni Russell ang second double-double ng season. Kumana ang guard ng 9 sa 21 tirada, kabilang na ang clutch 3-pointer sa ibabaw ni Kyle Kuzma sa nalalabing 22 segundo at ilagay sa kalamangan ang Brooklyn, 113-107. Nasukol pa rin ng Nets si James sa sunud-sunod na 3 puntos mula sa kaliwang bahagi.
Samantala sa iba pang laro, nakagawa ng 22 puntos si Jamal Murray kabilang na ang big 3-pointer sa huling minuto ng laro at dumagdag ng career-high 15 assists kaya ginapi ng host Denver Nuggets ang Dallas Mavericks, 126-118.
Umiskor si Nikola Jokic ng game-high 32 points at may 16 rebounds upang matulungan ang Denver na mawalis ang four-game homestand at manatiling nasa ibabaw ng Western Conference standings. Umiskor sina Trey Lyles at Monte Morris ng tig-16 points para sa Nuggets. (MC)





Comments