top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa palad...BEBOT NA NAKATAKDANG MAGING BF ANG HINAHANGAANG LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2018
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. May crush akong lalaki, classmate ko siya, kaya lang may pagkatorpe siya. Nasa guhit kaya ng aking mga palad na siya ang magiging first boyfriend ko?

  2. Sa edad kong 19, kahit kailan ay hindi pa ako nagka-boyfriend.

  3. Marami naman akong manliligaw, pero hindi ko sila type. Ang gusto ko kasi, eh, ‘yung malinis sa katawan at matalino. ‘Yun nga lang, bakit kaya parang hindi niya napapansin ang ganda ko o sadyang mahiyain lang talaga siya?

  4. Maestro, dapat ba akong umasa na magiging boyfriend ko siya balang-araw? Ano sa palagay ninyo ang dapat kong gawin?

KASAGUTAN

  1. Kung ang si­nasabi mong lalaki ay isinilang sa zodiac signs na Taurus, Vir­go o kaya ay Libra na may mga birth date na 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19, 28, 2, 11, 20, 29, 7, 16 o kaya ay 25, tiyak ang magaganap, ayon sa Astro-Numerology na pag-aanalisa, ngayong taon hanggang 2019, hindi matatapos ang Pasko, pinakamatagal na sa susunod na taong 2019, malaki ang posibilidad na magiging boyfriend mo na siya.

  2. Ang pag-aanalisang wala namang gaanong kabiguan sa pag-ibig na itatala sa iyong kapalaran ay madali namang kinumpirma ng maganda, walang bilog at hindi rin nalatid na Heart Line (Drawing A at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na sa panahon ngayon, hindi ka naman mabibigo sa aspetong pang-emosyunal, bagkus, ang totoo nito, ang nakatuntong na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa Bundok ng Jupiter na tinatawag din nating Bundok ng Ka­ligayahan (arrow b.) ay nagsasabing, isang romantikong pag-ibig at masayang pakikipagrelasyon ang kusang mabubuo. At hindi pa ‘yun ang mas maganda, bagkus, ang kaisa-isang malinaw, mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nag­sasabing, ang unang seryoso, meaningful at puno ng kaligayahang pag-ibig at pakikipagrelasyon ang siya na ring makatutuluyan at makakasama mo, habambuhay.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Katlyn, ngayong 2018, pinakamatagal na sa susunod na taong 2019, bago sumapit ang buwan ng Peb­rero, biglaan ang ma­gaganap, habang may bahagyang patak ng ulan sa kapaligiran, sa hindi inaasahang sitwasyon, magkakasabay kayo sa pam­publikong sasakyan at bahagyang magkikibuan hanggang sa tuluyan nang mag­kuwentuhan at kusa na kayong magkaka­hulugan ng loob. Hindi maglalaon ang pagiging close ninyo sa isa’t isa ay na­katakda ring humantong sa isang matimyas, maligaya at wagas na relasyon, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page