top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kahit saang terminal pa ‘yan, sis! BABAENG PINAPAYUHANG TUMAYA SA LOTTO OUTLET NA MALAPIT SA PARADA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2018
2 min read

Dear Maestro,

Dalawang beses na akong nabibiyuda at hang­gang ngayon ay natatakot pa rin akong mag-asawang muli. Pero, may mga man­liligaw ako, tatlo sila. ‘Yung una ay may birthday na May 14, 1987, ang panga­lawa naman ay may birth­day na February 4, 1988 at ang pangatlo ay may birthday na April 3, 1982.

Sino sa kanilang tatlo ang ka-compatible ko at dapat kong sagutin para habambuhay na akong maging maligaya? September 1, 1981 ang birthday ko at kung sa­kaling mag-aasawa akong muli, mabubuntis pa kaya ako at kailan? Nais ko ring malaman kung ano ang masusuwerte kong numero na puwede kong tayaan sa lotto?

Umaasa,

Nimfa ng Bambang, Calaca, Batangas

Dear Nimfa,

Ayon sa birthday mong September 1, 1981 na under sa zodiac sign na Virgo na may ruling planet na Mercury, higit mong ka-compatible ang Taurus na isinilang noong May 14, 1987.

Kung saan ang zodiac sign niyang Taurus habang Virgo ka naman ay sadyang compatible sa isa’t isa.

Dagdag pa rito, ang zodiac sign mong Virgo ay may katumbas na numerong 5 na siya namang birth date ni Mr. Taurus kung saan ang birth date niyang 14 ay 1+4=5. Ibig sabihin, kapag kayo ang nagkatuluyan at nagsama, tiyak ang magaganap, ang inyong relasyon ay magiging masa­ga­na, maunlad at panghabambuhay na magiging maligaya.

Samantala, bukod sa sarili mong numero na 1 at lahat ng numbers na may sumatutal na 1 tulad ng 10, 19, 28, 37 at iba pang kauri nito, mapalad ka rin sa lahat ng mga numero na may sumatutal na 4 at 5 tulad ng 13, 22, 31, 40, 14, 23, 32, 41 at iba pang kauri nito. Maaari mo ring subukan ang 1, 17, 26, 34, 40 at 42, gayundin ang 3, 16, 24, 34, 38 at 40 higit lalo sa mga buwan ng Mayo at Oktubre.

Upang masigurado mo ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa paradahan o paliparan ng eroplano o kaya ay paradahan o daungan ng barko. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot.

Habang, ayon sa Love Calendar, kapag sinagot mo sa susunod na taong 2019 ang nanliligaw sa iyo na may birth date na 14, tiyak ang magaganap, ang inyong relasyon ay nakatakda nang magbunga ng isang maligaya at pangha­bambuhay na pagsasama at matapos ang isang taon, sa 2020 mabubuntis ka at isisilang ang isang malusog at matalinong lalaking sanggol na lalo pang magpapatibay sa inyong pamilya at pagmamahalan, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page