Aray ko! Alam na! INAH, IPINAGSIGAWANG MAHAL SI JAKE, BF DEDMA LANG!

“MAHAL kooo” ang shoutout ni Inah de Belen sa boyfriend na si Jake Vargas sa Instagram (IG) ng aktor at maging sa photo nito.
Kinilig ang mga nakabasa sa shoutout ni Inah, kaya lang, hindi sumagot si Jake, kaya hindi 100 percent ang kanilang kilig.
Bale ba, nakukulangan sila sa mga eksenang magkasama ang dalawa sa Afternoon Prime na Ika-5 Utos at sa mga posts sa socmed ng dalawa na lang sila umaasa ng moments ng mga ito, pero binigo pa ni Jake.
Nabanggit namin kay Direk Laurice Guillen na naghahanap ang mga fans ng “moment” nina Jake at Inah sa Ika-5 Utos at sabi ni direk, magkakaroon din ang dalawa. Naka-focus pa kasi ang story ngayon sa tambalan nina Jeric Gonzales at Klea Pineda, pero babalik din kina Jake at Inah.
Sayang at hindi namin nakausap sina Inah at Jake sa taping ng Ika-5 Utos dahil lagi silang may eksena. Maganda sanang malaman ang plans nila for Christmas and New Year, pero may time pa naman na makausap sila’t mahaba pa ang tatakbuhin ng story ng Afternoon Prime.





Comments