Kontraktor nilikida ng 2 armado
BATANGAS—Isang kontraktor ang napatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Maugat West, Padre Garcia sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Jerwin Operio, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakatayo sa harap ng kanyang bahay si Operio nang lapitan ng dalawang suspek na nagpanggap na mag-aaply ng trabaho, pero nang malingat ang biktima ay agad itong binaril ng mga salarin.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.





Comments