HOROSCOPE | DISYEMBRE 19, 2018 (Miyerkules)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 19, 2018 (Miyerkules): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Simpleng namamahinga lang ang iyong magagandang kapalaran kapag nakararanas ka ng kamalasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magkahalong saya at hirap ang iyong mararamdaman dahil ang malaki mong pangarap ay abot-kamay mo na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-28-30-43-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sisilip sa iyo ang malaking suwerte. Kapag nakita kang nananatiling positibo sa kabila ng mga pangyayaring hindi mo inakala, ang suwerteng ito ay darapo sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-17-24-39-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Mabibilis at hindi paaawat ang mga buwenas na biglang lalapit sa iyo kahit hadlangan pa ito ng taong inggit na inggit sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-24-28-34-37.
CANCER (June 21- July 22) - Akala ng nagtatalun-talon, siya lang ang nanalo. Ang hindi niya alam at ng marami, higit kaninuman, ikaw ang may pinakamalaking panalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-27-30-35-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatatawa ang mga karibal mo, akala nila suko ka na. Pero, ang hindi nila alam ay patuloy na umuunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-21-25-34-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maraming biyaya at pagpapala ang ibibigay sa iyo ng langit dahil sa nakita Niyang kontrolado mo ang iyong sarili. Kaya iwasan mo ang pabigla-biglang bugso ng emosyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-5-16-23-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka dapat huminto nang dahil lang sa maganda na ang kapalaran mo. Huwag mong kalilimutan na rito sa mundo, walang hangganan ang pag-unlad kapag nagsisikap ang tao. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-19-20-27-34-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tatanggap ka ng regalo mula sa langit dahil sa magagandang katangiang iyong ipinakikita sa kapwa mo lalo na ang pagpapasaya mo sa kapus-palad at mga musmos. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-16-17-18-21-25.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatutuwa kung paano ka mas susuwertehin. Makikitang, ayaw mo sa regalo dahil ipinamimigay mo rin ito sa higit na nangangailangan. Saludo sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-18-23-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit kaya may lungkot pa rin sa puso mo kahit ngayon ay nagsasaya ka? Ang lihim na dahilan ay naaawa ka sa mga nakikita mong walang-wala sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-14-28-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka nang magsaya. Bakit? Dahil noon pa man, habang ikaw ay nabubuhay dito sa mundo, kapag masaya ka mas lalo kang binubuwenas. Muli, magsaya ka! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-17-25-34-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa malapit at malayo ang magagandang kapalaran ay magdaratingan sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-25-29-39-40.




Comments