top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Bakit nga ba ito inaabangan? IBA‘T IBANG PANINIWALANG HATID NG SHOOTING STAR

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2018
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang mga kaalaman sa masayang pagdating ng mga bulalakaw o shooting star.

Sa kasalukuyan, makikitang umuulan ng mga bulalakaw sa kalangitan. May gaganda pa ba sa mga mata ng tao kapag nakita niya ang mga bulalakaw? May magbibigay pa ba ng kakaibang sigla sa tao kundi ang makakita siya ng mga bulalakaw? Higit sa lahat, ang maranasan at masaksihan ang pag-ulan ng mga bulalakaw ay pinapangarap ng lahat ng nilalang.

Gusto mo bang makakita ng hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi maraming shooting stars? May pagkakataon ka pa dahil sa kasalukuyan ay patuloy na nagaganap sa kalangitan ang “the showers of star” na mas kilala sa tawag na “the Gemini shooting stars showers”.

May kaugnayan ba ang masayang kapaskuhan sa “the Gemini shooting stars? Bakit kaya tuwing Pasko lumilitaw ang mga ito? Ano ba ang kaugnayan nito sa kapaskuhan?

“Merry Christmas!”, ang salitang ito ay pinakamadalas na ginagamit tuwing Pasko. Lahat ng magagandang pailaw sa bahay, sa gusali at maging sa mga highway ay makikita ang salitang “Merry Christmas”.

Ang salitang “happy” na sa Tagalog ay masaya ay nakuha sa root word na “Hap” o sa wikang Latino-Romano ay “Jop” na sa katagalan ay ginawang “Hap” na kinuha sa salitang Jupiter na makikita sa salitang “joy” na ang tunay na salin sa Tagalog ay “maligaya”.

Kung ganu’n, saan naman nanggaling ang salitang “merry”? Saan nga ba kundi sa salitang “Mercury” na siyang kinikilalang ruling planet ng zodiac sign na Gemini. Kaya ang masaya na merry ay saya na mula sa Gemini na ang ruling planet ay Mercury.

Kaya sa ayaw o sa gusto ng tao, makararamdam siya ng kasiyahan tuwing may daraang bulalakaw sa kalangitan tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Merry, masaya, Mercury, the Gemini shooting stars ay ang maghahari sa buong mundo ngayong kapaskuhan. Be that as it may: Merry, Merry Christmas sa inyong lahat! Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page