top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Umaakyat sa mataas na bulding, nahulugan ng pera at nakahuli ng isda

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2018
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Nhoverjhay­son ng Nhoverjhay­son _ Aying@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na uma­akyat daw ako sa pinakamataas na building at nahulog ‘yung pera ko, ngunit, nang bumaba ako para kunin ito ay wala na dahil may nakapulot na pala.

Hinahanap ko ‘yung babaeng nakapulot ng pera ko hanggang sa nakara­ting ako sa dagat at doon ko nakita ang mga kaibi­gan ko na nanghuhuli ng isda, pero laking-gulat ko dahil ako ‘yung naka­huli ng isda.

Ibang klase ‘yung isda, kulay blue siya at walang buto, sa tanang buhay ko hindi pa ako na­ka­kikita ng ganu’n. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Salamat!

Naghihintay,

Nhoverjhayson

Sa iyo Nhoverjhayson,

Kung ikaw ay binata pa, ang panaginip mo ay nag­ba­balitang ikaw ay mag-aasawa na.

Dahil dito, dapat mong paghandaan ang darating na bagong buhay sa iyo.

Kumi­los ka na ngayon dahil mag­kakaroon ka na ng mga ba­gong reponsibilidad at hin­di magtatagal ay mag­ka­karoon ka na ng pamilya.

Pero, alam mo, higit sa la­hat kapag nag-asawa ka na, dapat ka nang mag-ipon, kumbaga, may savings ka da­hil ang pag-aasawa ay hindi biro.

Dati, ang pera ng asawa o kinikita ng mister ay ibi­nibigay lahat kay misis. Pero ngayong nagbago na ang takbo ng mundo, nagbago na rin ang patakaran kung saan ang mag-asawa ay may kani-kanya ng kinikita, kumbaga, ang pera ni mister ay ha­wak niya at ang kita ni misis ay para lang sa kanya.

Ang ganitong kalakaran ay nangyayari, pero hindi naman nangangahulugang walang pagmamahal sa pa­gitan ng mag-asawa.

Paano naman kung nag­kataong may asawa ka na?

Ang panaginip mo ay nagsasabing mag-abroad ka dahil dito, maraming suwerte ang mapasasaiyo.

Kaya mangibang-bansa ka at huwag kang masya­dong mag-alala.

Kapag may dumating na oportunidad sa iyong hara­pan na isa sa mga mensahe ng iyong mga panaginip, sunggaban mo ito kaagad.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page