Pusher todas sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Dec 18, 2018
1 min read
LAGUNA — Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Bulilan Sur, Pila.
Kinilala ang suspek sa alyas Tyman, walang tiyak na tirahan.
Ayon sa ulat, darakpin sana si ‘Tyman’ pero, bigla nitong pinagbabaril ang mga tauhan ng pulisya.
Dahil dito, gumanti ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments