top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para sa mga “not feeling well” kuno riyan, read n‘yo ‘to, dali! PAGDIRIWANG NG KAPASKUHAN, MAGANDA A

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2018
  • 2 min read

HINDI ba okay ang ka­lagayan mo ngayon at medyo bad vibes ka dahil sa trabaho?

Easy lang ‘yan, beshy, dahil ayon sa mga siyenti­piko, ngayong Ho­liday Season, eh, na­katatang­gal umano ng bad vibes at ma­gan­da sa kalusu­gan. Woah! Ama­zing!

Ayon kay Dr. Linda Pa­pa­dopoulos, psy­cho­­lo­gist, bukod sa ka­kaiba ta­laga ang vibes tu­wing ka­paskuhan, ito rin umano ay magandang kara­nasan para sa ating lahat.

Ito ang panahon kung saan kayang-kaya nating ga­win ang gusto natin at ma­raming tao ang relaxed kung saan nakatutulong ito upang ma-reduce ang lebel ng stress hormone na cortisol natin na ma­­aaring magdulot ng ne­gative impact sa ating kalu­sugan.

Gayunman, knows ba nin­yong ang balat ay naa­apek­­tuhan din ng stress at anxiety? Ito ay dahil kapag nai-stress ang indibidwal, na­a­apektuhan nito ang kanyang organs, gayundin ang kan­yang balat.

Kaya kung ating papan­sinin kapag stressed tayo, ang haggard ng mukha natin, du­marami ang pimples natin at lumalalim ang ating eyebags.

Pero, mabuti na lang at kada taon ay nang­yayari ang Holiday Season dahil isa ito sa mga panahon kung saan mas na­kapagpapahinga tayo, lalo na ‘yung mga sub­sob sa pag-aaral at tra­baho.

Gayundin, ito ay na­ka­bu-boost ng confi­dence sa ka­dahilanang marami ta­yong pinu­pun­tahang salu-salo na nakatutulong upang ma-en­hance ang ating paki­kisala­muha sa iba.

Dagdag pa rito, ayon sa mga eksperto, mainam kung magbibilad tayo sa araw da­hil nakapag­bibigay ito ng positive effect, mo­tivation at productivity sa ating buhay.

Kaya mga beshy, nga­yong Pasko, huwag tayong mas­­yadong ma-stress sa kung ano ang ihahanda o ire­regalo natin, always remem­ber na kahit kapos tayo nga­yon, eh, “God will provide” naman!

Gets mo? Have a Merry Christmas and Happy New Year! He-he-he!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page