top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Malinaw ayon sa birthday... LALAKING NAKATAKDANG UMASENSO SA PAG-A-ABROAD AT PAGNENEGOSYO

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2018
2 min read

Dear Maestro,

Sa ngayon ay nagtatrabaho ako bilang factory worker, pero mababa lang ang aking suweldo, kaya kulang na ku­lang talaga para sa pamilya ko. Balak kong mag-abroad upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga anak. Kung mag-a-apply ako sa ibang bansa, may pag-asa kaya akong makapag-abroad at guminhawa ang buhay ko roon? Sana, maanalisa ninyo kung ano ang mangyayari sa aking kapalaran sa susunod pang mga panahon, nababahala kasi ako tungkol sa magiging kinabukasan ng aking mga anak. July 5, 1988 ang birthday ko.

Umaasa,

Jim ng Pangil, Amadeo, Cavite

Dear Jim,

Ang birth date mong 5, sa destiny number na 2, (7+5+1988=2000/ 20+00=20/ 2+0=2) sa zodiac sign na Cancer ang nagsasabing, sa pamamagitan ng dagdag na lakas ng loob, sigurado ang magaganap, basta nag-apply ka sa abroad, kusa kang makapangingibang-bansa sa takdang panahong inilaan ng kapalaran sa tulong ng kaibigan mong Virgo.

Kaya tama ang ginagawa at iniisip mo ngayon, hindi ka dapat makuntento bilang factory worker. Sa halip, mag-isip ka ng paraan upang umunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya at tama ang naiisip mo na mag-abroad at kapag nakapag-abroad ka na, pilitin mong makaipon ng sarili mong puhunan at pagkatapos ay magnegosyo ka dahil ang lagda mong simple na may dalawang letra at pagkatapos ay idinugtong mo na agad ang iyong apelyido ay nagsasabing, bukod sa pag-a-abroad, magtatagumpay at uunlad ka rin sa pagnenegosyo.

Lalo na kung sa halip na pasubsob o pababang stroke mo tinapos ang iyong lagda, tapusin mo ito sa paitaas o kaya ay pa-straight line na stroke. Sa ganyang bahagyang inobasyon ng iyong signature, tulad ng nasabi na, kusa mong matutupad ang pangarap mo sa buhay — ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang iyong pamilya.

Ang lahat ng positibong pag-aanalisang inilahad na sa itaas ay magsisimulang mangyari ayon sa iyong Travel Calendar sa susunod na taong 2019, sa edad mong 31 pataas, makapag-a-abroad ka at makapagnenegosyo hanggang sa tuluy-tuloy nang umunlad at sumagana ang inyong kabuhayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page