Idol na idol daw si Mayor Sara… AIKO, IPINAGSIGAWANG NAGKAMPANYA NANG LIBRE PARA KAY P-DU30
- Nitz Miralles
- Dec 18, 2018
- 2 min read

“AND I’m officially 43 today (December 16),” ang masayang announcement ni Aiko Melendez sa kanyang Instagram account at isang birthday dinner treat ang regalo sa kanya ng boyfriend niyang si Subic Mayor Jay Khonghun.
Bukod sa dinner treat, sa tulong pa rin ni Mayor Jay, nagkaroon ng gift giving si Aiko na sabi nga niya, “Happy ako na sa mismong birthday ko, me nagawa akong maganda! Thank you baby @jaykhonghun for making my birthday meaningful:) I always wanted to share my blessings and thanks for making it happen. I made so many happy today.”
Isa pang birthday gift ni Mayor Jay kay Aiko ay ang birthday at Christmas greetings ni Davao City Mayor Sara Duterte na inamin ni Aiko na isa sa mga bucket list niya ay magkaroon ng greetings mula sa anak ni Pres. Rodrigo Duterte.
“Omg! Grabe, isa sa wish ko at bucket list ko was to get a greeting from mam @indayaradurerte. Sa mga ‘di nakaalam nag-campaign po ako free ke PRD motorcade lahat sa QC, kasi idol ko si Ma’m! I was hoping I’d see Mayor Sara! Salamat sobra baby @jaykhonghun grabe mahal na mahal mo tlaga ako gumawa ka ng way para me ganito! This is the best bday ever! Trivia! Mayor ang role ko sa bagong movie ko (Rainbow’s Sunset) at alam n’yo ba na si Mayor Sara ang peg ko! Ganyan ko s’ya kamahal hahahaha thank you!!! Sana, ma-meet kita soon Ma’m Sara! #fanmode on good mood ako nito mga 1 week hahaha!”
Speaking of Rainbow’s Sunset na isa sa MMFF entries, nakakatuwang makita na sumama sa mall tour sa Starmall Edsa-Shaw si Eddie Garcia sa edad nitong 89. Inimbita nito ang audience to watch their movie directed by Joel Lamangan and rated PG by MTRCB.





Comments