top of page

'Di raw na-gets ang sagot ng Miss U 2018… KEN, PINAGTAWANAN SA COMMENT SA PAGKAPANALO NI CATRION

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2018
  • 1 min read

‘KAALIW ang Instagram post kahapon ni Ken Chan sa gitna ng pagbubunyi ng lahat sa pagkakapanalo ni Catriona Gray sa Miss U 2018.

Nag-upload ng short video ang Ka­puso actor na kino-congratulate ang ating kandidata nang ala-Boyet, ang character niya sa seryeng My Special Tatay.

“Kongratuleysyon sayo @catrio­na_gray ah, ikaw na ang ba go na Mis Unibers eh. May tanong lang ako sayo ah? #MissUniverse2018#MySpecialTatay,” ang caption ni Ken.

Sa video ay makikitang matapos niyang i-congratulate si Catriona ay tinanong niya kung ano raw ang ibig sabihin ng silver lining.

Ang “silver lining” ay ginamit ni Catriona sa kanyang sagot sa Q&A portion sa Top 3 finalists.

Ang daming natawa sa post ni Ken at umani nang katakut-takot na likes.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page