Bebot patay sa motor
AKLAN — Isang 16-anyos na dalagita ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang bumangga sa tricycle ang sinasakyan nilang motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Malay.
Nakilala ang nasawi na si Clarissa Antanar habang sugatan naman ang angkas nitong si Roel Duhaylungsod.
Kinilala ang driver ng tricycle na si Rene Santuyo, residente ng Bgy. Caticlan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol si Antanar sa pagmamaneho ng motor habang angkas si Duhaylungsod kaya bumangga sila sa tricycle ni Santuyo.
Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital pero, idineklarang dead-on-arrival si Antanar.





Comments