“Slow-mo’ lava walk ni Miss Universe Catriona, winner!
- BULGAR

- Dec 18, 2018
- 2 min read

“I work a lot in the slums of Tondo, Manila and the life there is very… it’s poor and it’s very sad. And I’ve always taught myself to look for the beauty in it. To look in the beauty in the faces of the children and to be grateful. And I would bring this aspect as a Miss Universe to see situations with a silver lining and to assess where I could give something, where I could provide something as a spokesperson and this I think, if I could teach people to be grateful, we could have an amazing world where negativity could not grow and foster and children could have a smile on their faces.”
Ito ang winning answer ng ating pambato at kinoronahang si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa katanungan kung ano ba ang pinakamahalagang natutunan nito sa buhay at kung paano ito ia-apply sa buong reign ng pagiging Miss Universe.
Sa ikaapat na pagkakataon, nasungkit ng 24 years old Fil-Australian beauty na tubong Albay, ang korona ng Miss Universe para sa bansa.
Nakuha nito ang Christmas gift na nais niyang ibigay sa Pilipinas.
At hindi lamang ang kanyang “slow-mo” effect na lava walk ang tumatak sa lahat kundi ang kalidad ng Filipina beauty — may confidence, grace, intelligence at strength na harapin ang anumang uri ng pagsubok sa buhay.
Nag-iwan din ito ng aral lalo na sa kabataan na puwedeng matupad ang pangarap sa pamamagitan ng pagsusumikap, determinasyon, pagpupursige at siyempre, suporta ng mga nakatatanda.
Samantala, unang nakamit ng bansa ang Miss Universe crown noong 1969 sa pamamagitan ni Gloria Diaz, sinundan ni Margie Moran noong 1973 at after 42 years bago nasundan sa pamamagitan ni Pia Wurtzbach noong 2015.
Silang apat ay mga inspirasyon hindi lamang sa mga kababaihan kundi sa lahat ng Pinoy na kaya nating magtagumpay.




Comments