MABABALIGTAD KAYA NG CARGO MOVERS ANG LARO VS. BLAZE SPIKERS SA SUPERLIGA?


NAGBALIK ang pamatay na porma na naging puhunan sa panalo ng Petron Blaze Spikers at maging pinakamatagumpay na club team sa bansa nang tigpasin ang F2 Logistics, 25-23, 25-12, 25-17 sa Game 1 ng Philippine Superliga All-Filipino Conference best-of-three finals series kamakalawa ng gabi sa Mall of Asia Arena.
Pero para kay head coach Shaq Delos Santos, matagal pa ang kuwento ng laban.
Malayo pa sa isip ni Delos Santos na magdiwang dahil alam nila kung paano sumingasing ang ilong ng Cargo Movers sa Game 2 ng prestihiyosong women’s club tourney bukas sa parehong venue.
Aniya, may gameplan si F2 Logistics coach Ramil de Jesus na baligtarin ang laro sa Game 2 at tiyak na kaabang-abang ang bakbakan sa mga ipamamalas na high-flying attacks, malulupit na depensa at makapigil-hiningang unahan sa iskor.
“This is not yet over. A win in Game 1 doesn’t mean anything if we fail to clinch the title. We know they will prepare so we have to be ready,” ayon kay Delos Santos.
Sa Grand Prix noong 2017, kumbinsidong nagwagi ang Blaze Spikers sa Game 1 at salamat sa nagbabagang mga spikers na sina imports Lindsay Stalzer at Hillary Hurley maging ang local stars na sina Frances Molina, Aiza Maizo-Pontillas at Mika Reyes. Pero hindi aatras ang Cargo Movers.
Ginitla ni De Jesus ang kaengkuwentro nang palaruin si Cha Cruz at gawing starting spiker habang si American Kennedy Bryan ay nagbalik din sa kanyang original position na opposite spot. Ang sugal na iyon ay nagkaroon ng magandang resulta nang gumapang ang Cargo Movers mula sa 0-2 set lead tungo sa masterful Game 2 victory.
Isang pinal na kills sa Game 3 ang pormal na sumungkit sa titulo ng highly competitive na torneo na ito na isinasaere ng ESPN5.
Sinabi ni Delos Santos na si de Jesus, ang 11-time champion coach para sa De La Salle University sa University Athletic Association of the Philippines ay may tatlong korona na rin sa PSL at hindi susuko ang mga ito.
“We know how coach Ramil operates. I’m sure his team won’t just roll over and die. It’s still a very long way to go,” ayon kay Delos Santos, na humablot ng nagbabagang laro mula kina bench player Sisi Rondina at dating Far Eastern University stars Bernadeth Pons at Remy Palma sa Game 1.
Nakapagtala si Rondina ng 12 points habang sina Pons at Palma ay may tig-10 at 9 hits para sa Blaze Spikers na nasa buntot na ng pagduplika ng golden sweep ng conference na una nilang nakamit ng nakaraang tatlong taon.
(MC / VA)
Laro Bukas: (Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. – La Salle-Dasmarinas vs CSA: 7:00 p.m. – Petron vs F2 Logistics





Comments