top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lady enforcer na nanlait ng motorista, lagot!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2018
2 min read

“ANG pangit ng mukha mo, ang pangit pa ng ugali mo”, maririnig ang mga salitang ito na binitawan ng babaeng traffic enforcer na si Vergara sa viral video na in-upload ng mismong biktima, kamakalawa.

Sa nasabing video, mapanonood ang pakikipag­talo nito sa lalaking motorista na si Albert Bugarin.

Ayon kay Bugarin, ibang traffic enforcer umano ang nanghuli sa kanya, pero si Vergara ang humarap at nakipag-usap kung saan pinaulanan siya nito ng panlalait sa kanyang pisikal na hitsura.

Kaya dahil sa mga natanggap niyang salita, hindi niya napigilang akusahan si Vergara ng bullying.

Gayunman, ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, may spot report na ang insidente at ito ay naipadala na sa kanilang report sa Traffic Dis­cipline Office.

Bagama’t, maririnig nating may mga umaawat na ibang enforcer, hindi pa rin natitigil ang dalawa na parang bata kung mag-asaran.

Sa totoo lang, hindi talaga natin mapipigilan ang ganitong mga pangyayari, pero bilang enforcer na mas alam kung paano i-handle ang mga ganitong bagay, matuto sana tayong makipag-usap ng propes­yunal at hindi ‘yung nakikipag-asaran na parang bata dahil ito ang nagiging simula ng away, gayundin, para sa mga motorista kung may nagawang violations, huwag nang makipagtalo at pagbayaran na lamang ito.

Samantala, magsilbi sana itong paalala sa mga traffic enforcer na magbaon at habaan ang kanilang pasensiya kapag nakikipagtalo sa kanila ang mga hinuling motorista, hindi ito madaling gawin pero, ‘yun ang mas tama sa kanilang ginagampanang tungkulin.

Dagdag pa rito, huwag na nating idamay ang pisikal na hitsura kung nag-violate sa daan ang mo­torista, bagkus, idaan ito sa ligal at maayos na pag-uusap at proseso nang sa gayun ay magkaroon ito ng magandang resulta.

Sa ngayon, kinukuha na ang panig ng babaeng enforcer at iniimbestigahan na rin ang kabuuang nangyari, pero ang paalala natin sa karamihan, iwasan ang ganitong asal, lalo na kung nasa daan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page