Kaya sila raw ang dapat mong mahalin, lodi! MGA TAONG CLOSE SA PARENTS, LOYAL AT STICK TO ONE!
- BULGAR

- Dec 17, 2018
- 2 min read

IBA’T IBA ang basehan ng bawat isa pagdating sa cheating o panloloko. Ngunit, ayon sa mga eksperto, ang pakikitungo ng iyong partner sa inyong mga magulang ay maaari ring maging basehan upang malaman mo kung ang partner mo ay nanloloko.
Weh, ‘di nga?
Ayon sa pag-aaral sa 1,400 katao, lumabas na 15% ang hindi gaanong close ang kanilang in-laws habang 85% naman ang nagsabi na wala silang pakialam sa kung ano ang iniisip ng kanilang in-laws tungkol sa kanila.
Ang pagiging malayo ng loob ng iyong partner sa iyong pamilya ay maaaring magdulot ng hindi magandang pagsasama na maaaring mauwi sa panloloko nito.
Puwede rin itong maging sign na hindi sila marunong makisama at hindi nila priority ang pagiging malapit sa pamilya mo.
Ayon kay Tammy Nelson, sex and relationship therapist, ang pagkawala ng interes sa iyong pamilya ng partner mo ang mas nagpapadali sa kanila upang lokohin nila kayo.
Ito ay dahil hindi sila malapit sa isa’t isa, hindi nila masyadong iniisip na masasaktan at madi-disappoint nila ang iyong pamilya.
Ayon kay Claire Scott, relationship psychologist at data analyst, kung na-meet ninyo ang mga kaibigan at kamag-anak ng bawat isa, mas magiging malapit kayo sa isa’t isa.
Bukod pa rito, magkakaroon kayo ng mas malalim na koneksiyon at tiwala kapag nakilala n’yo ang pamilya at kaibigan ng bawat isa.
Maaari itong maging dahilan para isipin ng inyong partner na mapapahiya sila kung sakali mang lolokohin nila kayo.
Kaya ang payo ng mga eksperto, kung nais n’yo na magkaroon ng magandang pagsasama, maging totoo sa bawat isa at kapag may problema, agad itong pag-usapan upang masolusyunan.
Kaya mga bro at sis, siguraduhing malapit kina mama at papa ang inyong partner nang sa gayun ay maiwasan ninyo ang hindi magandang pagsasama.
Have a happy and healthy relationship!
Okie?





Comments