top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kaya hindi ka dapat ma-pressure, beshy! 6 TIPS PARA LESS-HASSLE SA PAGHAHANDA SA CHRISTMAS PARTY, AL

Jersy Sanchez
Dec 17, 2018
2 min read

FIRST time mo bang mag-organize ng Christmas Party, beshy? Huwag kang mag-worry dahil narito na ang tips para sa inyo upang maging successful ang pinaplano ninyong pagsasalu-salo:

1. PLAN NOW. Simulan mo na agad, besh! Mas magandang magplano habang matagal pa ang mismong araw ng party dahil kung sakaling may mga pagbabago pa, eh, mas madali kang makapag-a-adjust. Halimbawa, simulan mo nang maglista kung sinu-sino ang mga gusto mong imbitahin, kung ano ang mga pagkain na dapat mong lutuin at mga game na inyong lalaruin.

2. SHOP SMART. Bago tuluyang mamili, lodi, itsek mo muna kung ano ang mga kagamitan o ingredient na mayroon ka nang sa gayun ay malaman mo kung gaano karami ang dapat mong bilhin. Sa pamimili, siguraduhing mabibili mo na ang lahat ng iyong kakailanganin upang hindi masayang ang iyong oras sa pagpapabalik-balik sa grocery o palengke.

3. ADVANCE. Hindi lang dapat advanced mag-isip, lodi, dapat advanced din tayo sa pag­kilos. Mabuting gawin mo na ang mga bagay hangga’t maaga pa kabilang na ang pamimili ng iyong mga kakailanganing kagamitan tulad ng paper plates, disposable cups at plastic bags. Itsek mo na rin ang inyong menu nang sa gayun ay makita mo kung ano ang mga puwede mo nang gawin kahit hindi pa ganu'n kalapit ang event tulad ng pagma-marinade at pagbabalot ng lumpia.

4. KEEP SERVING SIMPLE. Hindi mo naman kailangan ng mala-buffet na hapag-kainan, besh. ‘Ika nga nila, mas simpleng ihanda, mas ma­­gaang na trabaho, Oks na ‘yung ganu’n, ‘di bale nang simple ang naka­ha­in, basta ang impor­tante ay kasama mo ang mga kamag-anak at kai­bigan mo sa araw ng Pasko.

5. ASK FOR HELP. Kung minsan ay nakali­li­mutan nating humingi ng tulong sa iba lalo na kapag pressured na tayo dahil palapit na nang palapit ang araw ng party. Pero, kung talagang hindi mo na makayanan ang pres­sure, besh, mabuting hu­mingi ka na ng tulong sa iyong pamilya o iba pang kakilala nang sa gayun ay magawa mo nang maayos ang mga dapat mong gawin bago ang mis­mong party.

6. ENJOY. Siyempre, hindi lang ‘yung mga bisita ang dapat mag-enjoy, dapat ikaw din, beshy! Kalimutan mo na ang stress at pagod na naibi­gay sa’yo ng pag-o-organize ng party. Enjoy-in mo muna ang aktuwal na party bago ka ma-stress ulit sa paglilinis at pagliligpit pagkatapos ng event. He-he-he!

Oh, ayan mga lodi, siguradong hindi na kayo magpa-panic sa pag-o-organize ng party tuwing kapaskuhan dahil sa tips na ito. Huwag masya­dong i-stress ang sarili para more energy habang nagpe-prepare sa paparating na party.

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page