Ginang dedbol sa aksidente
BATANGAS—Isang ginang ang namatay nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. San Miguel, Sto. Tomas sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Lorna Miralles, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, tumatawid sa kalsada si Miralles nang mabangga ito ng motorsiklong minamaneho ni Emilio Morada, nakatira rin sa naturang barangay.
Dinala pa ng mga saksi si Miralles sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Morada.





Comments