Wala nang atrasan… RICHARD, IBINULGAR NA ANG DATE NG KASAL NILA NI SARAH

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

INI-REVEAL nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na malapit na silang ikasal.
Kung matatandaan, na-postpone ang kasal ng dalawa dahil sa pagbubuntis ni Sarah sa pangalawa nilang anak na si Kai.
Kaya sa guesting nilang dalawa sa Magandang Buhay nu’ng Huwebes (December 13), masayang inanunsiyo ng aktor na sa darating na 2020 na ang kanilang pag-iisang-dibdib.
Ikinuwento rin ni Richard na nagpaplano na sila para sa darating na kasal at medyo nahihirapan sila dahil malaki ang kanilang pamilya.
Masaya namang ibinahagi ni Sarah na tutok at hands-on si Richard pagdating sa pagpaplano ng kanilang kasal, habang siya ang in-charge sa mga minor details.
“Bigger details, nandiyan siya to organize with me. Ang hirap kami ngayon ay ‘yung in terms of making it intimate, (dahil) ang laki ng families namin,” kuwento ni Sarah.
Sa kabila ng hirap sa pag-aasikaso at pagpaplano, masaya namang ibinahagi ng aktres na excited na excited na siya para sa kanilang special day.
“Masaya na nakakanerbiyos na exciting ‘yung process of organizing a wedding, but we’re super excited mostly,” pahayag ng aktres.
Sa kabila ng mga pinagdaanan, masayang-masaya at proud ang dalawa sa kanilang relasyon na tinawag nilang “solid”.
Ani Richard, “‘Yung relationship namin, masasabi ko ngayon na we’re in a very happy place, na very solid. ‘Yung growth namin as a couple, napagdaanan na namin lahat.”
Sumang-ayon naman ang kanyang partner at sinabing, “Katulad ng sinabi ni Chard, sobrang solid namin ngayon. We’ve never been this rock solid, and I’m thankful.”





Comments