top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Malinaw ayon sa birthday... BEBOT NA NAKATAKDANG LUMIGAYA KUNG MAGIGING LOYAL SA RELASYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2018
2 min read

Dear Maestro,

Hindi ako kagandahan, pero masasabi kong may da­ting ako, kaya hindi nakapagtatakang marami akong manliligaw. Sa ngayon ay may dalawa akong boyfriend, isang isinilang noong October 7, 1993 at ‘yung isa naman ay noong November 28, 1992 habang February 2, 1994 naman ang birthday ko.

Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sino sa dalawa kong boyfriend ang mas ka-com­pa­tible ko at kung sakaling magiging stick to one ako, sino ang dapat kong piliin sa kanila? Kapag nag-asawa na ako, kanino kaya sa dalawang ito ako higit na liligaya?

Umaasa,

Charit ng Longos, Calayaan, Laguna

Dear Charit,

Ayon sa zodiac sign mong Aquarius, higit mong ka-compatible ang boyfriend mong Libra kung ikukumpara sa isang Sagittarius.

Sapagkat ang zodiac sign na Libra ng unang boyfriend mo na isinilang noong October 7, 1993 at Aquarius naman ang zodiac sign mo ay may iisang elementong tinataglay — ang elementong air o hangin.

Ibig sabihin, sa Western Astrology, tunay ngang “same feather flocks together” kayo o ang inyong relasyon, kaya sa piling niya ay mas masisigurado mo ang isang maligaya at panghabambuhay na pagsasama.

Sa aspetong pang-Numerology naman, bagama’t, kailangan ng weak number mong 2 ang strong number na 1 tulad ng birth date na 28 (2+8=10/ 1+0=1) ng ikalawang boyfriend mo, subalit, katugma rin ng weak number mong 2 ang isa pang weak number na 7 ng boyfriend mong Libra kung saan sa pang-statistical na basehan, ang mas madalas na nakatutuluyan ng mga taong may mga numerong 2, 11, 20 at 29 ay silang may mga birth date na 7, 16 at 25.

Ibig sabihin, mas lamang si Mr. Libra kung ikukumpara kay Mr. Sagittarius lalo na kung compatibility ang pag-uusapan dahil si Mr. Libra ay ka-compatible mo sa Numero-Astrology na pag-aanalisa.

Kaya kung nais mo nang mamili sa dalawang boyfriend mo at nais mo nang maging stick to one, maging loyal ka at piliin mo si Mr. Libra lalo na kung mahal mo naman talaga siya at mahal ka rin naman niya, sa ganu’ng paraan, makatitiyak ka ng matibay na relasyon na hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay ng pag-aasawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page