Kelot tepok sa motorsiklo
- Pabs Hernandez III
- Dec 16, 2018
- 1 min read
ILOCOS NORTE—Isang lalaki ang namatay nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo, kamakalawa sa national road ng Pasuquin sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Dante de Leon, residente ng Bgy. 1-Naglicuan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, tumatawid sa kalsada si De Leon nang mabangga ng motorsiklong minamaneho ni Francis Lagasca, nakatira sa bayan ng San Nicolas sa naturang lalawigan.
Dinala pa ng mga saksi si De Leon sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, kinasuhan na ng reckless imprudence resulting to homicide si Lagasca.





Comments