Pulis na tulak, todas
DALAWA umanong gun-for-hire group at notorious na tulak ng droga ang napatay ng kapulisan matapos manlaban sa ikinasang buy-bust operation sa Bgy. 1-B, San Pablo City, Laguna. Kinilala ang mga suspek na sina SPO3 Nelson Dimatulac at alyas Quintin.
Pasado alas 2:00 ng madaling-araw, nagkasundo ang mga suspek at ang nagpanggap na confidential agent sa drogang bibilhin nito.
Tila nakatunog ang dalawa na mga operatiba ang kanilang kausap kaya agad pinaputukan ang mga ito na nauwi sa engkuwentro at ikinamatay ng dalawa.





Comments