Malinaw ayon sa birthday... BEBOT NA NAKATAKDANG MAGKAROON NG REGULAR NA TRABAHO SA SUSUNOD NA TAONG

Dear Maestro,
Sa ngayon ay wala akong trabaho, nag-resign kasi ako sa dati kong trabaho. Puro panggabi ang duty ko ru’n kaya sumuko ako.
Itatanong ko lang kung kailan kaya ulit ako magkakaroon ng regular na trabaho na hindi panggabi ang duty ko? Ngayon ay wala rin akong boyfriend, kaya nais kong malaman kung kailan ako magkaka-boyfriend?
Anu-ano ang aking masusuwerteng kulay at panahon nang sa gayun ay magkatrabaho na ako ng regular at magka-boyfriend? Isinilang ako noong July 2, 1991.
Umaasa,
Lyn ng Bagong Barrio, Pandi, Bulacan
Dear Lyn,
Ayon sa birth date mong 2, sa zodiac sign na Cancer ay nagsasabing ikaw ay sadyang mapalad sa mga kulay berde, dilaw at itim, higit lalo tuwing sasapit ang mga petsang 1, 2, 4, 7, 10, 11, 16, 19, 20, 22, 25, 28, 29 at 31.
Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran lalo na sa career at sa iyong pag-ibig mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-29 ng Agosto, mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-20 ng Nobyembre at mula sa ika-19 ng Disyembre hanggang sa ika-20 ng Marso.
Samantala, ayon sa iyong Career Calendar, basta patuloy ka lang na nag-a-apply at mas mainam din kung maghahanap ka ng kakilala o “backer” na magpapasok sa iyo sa trabaho na nagtataglay ng strong numbers na 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 9, 18 at 27, higit lalo silang may mga zodiac sign na Scorpio, Capricorn, Virgo, Taurus o kaya ay kapwa mo Cancer, tiyak ang magaganap, sa taong 2019, sa edad mong 25 pataas, bago sumapit ang Pasko sa buwan ng Setyembre, muli kang makasusumpong ng regular at magandang trabaho na angkop sa schedule na nababagay sa iyo sa kumpanyang kulay berde at dilaw ang logo.
Habang, ayon sa iyong Love Calendar, Lyn, sa taong 2019, sa edad mong 28 pataas, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang darating sa buhay mo at siya ang una at huling magiging boyfriend mo na hahantong sa pagtatayo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments