Holdaper tepok sa shootout
NUEVA ECIJA—Isang hindi kilalang holdaper ang napatay nang makipagbarilan sa mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Poblacion Centro, Aliaga sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek.
Nabatid na hinoldap umano ng suspek si Rolando Baldonado at matapos ang panghoholdap ay agad humingi ng saklolo sa pulisya ang biktima kaya tinugis ng mga awtoridad ang holdaper.
Nang maabutan na imbes sumuko ay pinagbabaril ng suspek ang pulisya kaya napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok kaya napatay ang holdaper.





Comments