Chairman tinodas ng tandem
NORTH COTABATO—Isang barangay chairman ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Nabalawag, Midsayap sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Chairman Sahabudin Madendog, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na nakasakay si Madendog sa kanyang pick-up nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments